티스토리 뷰

리뷰다모여

Bakit Kaya Minsan Wala Gana

나미옥이야 2018. 3. 24. 14:16

Dumating na ba sa punto ng buhay mo na wala na gana?

yon pagod ka na sa bagay

yon manhid ka na

 

 

Bakit kaya minsan wala gana ah? Hindi ko rin ba alam, ang gusto ko lang masaya lang ako. Kaso kasi hindi naman natin maperfect yan sa lahat ng oras di ba. May time talaga na parang wala ka na pakiramdam o manhid ka na at pagod na sa mga bagay. Bakit kaya ganon ah? Yon ang tagal mo hinintay yon gusto mo pero non hawak mo na dahil sa pagod mo maghintay at magtiyaga nawala na sabik mo mapasayo!

 

Hay, hindi ko rin maintindihan bakit kaya ganoon. Minsan lutang ako sa kawalan at natatanong sa sarili na bakit kaya minsan wala gana. Sayang kasi ang oras kaibigan kung wala tayong magandang gagawin at matatambakan lang ng mga dapat gawin. Ang dami kasi natin dapat atupagin pa, kaso dahil nga nalulutang tayo at isip lang nang isip ng mga wala naman saysay na bagay, ayon wala na tayo nagawa. Sobra nakakapanghinayang ang oras, kaya ako minsan pinipilit ko na lang talaga! Ikaw friend, alam mo ba kung bakit kaya minsan wala gana? Saan ba yan nanggagaling at paano masolusyunan? Gusto ko tulungan ang sarili ko at maging maliksi! Kasi gusto ko may matapos ako sa mga ginagawa ko, para naman hindi sayang ang oras!

 

Sa mga panahon mahirap kumuha ng lakas at tiwala sa sarili, manalig na lang tayo sa Diyos at nawa'y mahabag Siya at pahiramin Nya tayo ng magagandang bagay na nais natin! Kapit lang at kaya yan!

댓글